Lacson, Aquino nagharap sa ‘double-murder case’

NAGHARAP sa pagdinig ng husgado sa kasong double murder sina Senator Panfilo Lacson at kanyang dating kaibigan at tauhan sa binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na si dating senior superintendent Cesar Mancao at Michael Ray Aquino.

Sumalang sa mahigit tatlong oras na cross examination si Mancao sa harap ni Judge Thelma Bunyi-Medina.

Ang pabagu-bagong testimonya sa kaso ng pagdukot at pagpatay kina dating PR man Salvador Dacer at Emmanuel Corbito ang isa sa kinuwestiyon ng depensa kay Mancao.

Ang naging desisyon ng Court of Appeals (CA) pabor kay Sen. Panfilo Lacson, kung saan tinukoy na hindi kapani-paniwalang testigo sa krimen si Mancao na naging sentro ng cross examination na pinangunahan ni Atty. Alex Poblador, abogado ni Aquino.

Inusisa  rin ng depensa si Mancao kung bakit sa kanyang counter affidavit noong 2001 ay sinabi niya na wala siyang kinalaman sa kaso gayundin sina Lacson at Aquino.

Ayon kay Poblador, kapuna-puna ang pabagu-bagong pahayag ni Mancao sa kanyang testimonya dahil taliwas iyon sa nilalaman ng mga salaysay sa mga isinumite niyang mosyon.

Ngunit bandang huli ay pinanindigan ni Mancao na totoo ang kanyang mga huling salaysay na nagdadawit kina Lacson at Aquino sa pagpaslang sa mag-among sina Dacer at Corbito.

Sa susunod na Miyerkules ay ipagpapatuloy ang cross examination kay Mancao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply