Landgrabbers na, illegal loggers pa!

DIYAN pala sa Bataan, may mga nilalang na kinamumuhian. Kung bakit, ito ang kuwento!

Ibinulgar ng mga laon at lehitimong residente ng Barangay Sumalo, Hermosa ang operasyon ng sindikato sa kanilang lugar na kumamkam daw ng ekta-ektaryang lupain at gumagastos sa mga taong sumisira sa katahimikan ng kanilang barangay.

“Matagal na panahon na nakinabang ang mga land-grabber sa kinamkam nilang lupa rito sa Sumalo. Hiling namin sa pamahalaan na lansagin na ang iligal na sindikatong ito para sa ikatatahimik ng aming lalawigan,” ito ang pahayag ng mga miyembro ng KASAMA, asosasyon ng mga naninirahan sa Sumalo.

“Kung di kami kikilos upang mawakasan na ang higit sa tatlong de-kadang problema sa aming barangay, at ‘di naman kayang lansagin ng awtoridad ang landgrabbing syndicate, sino pa ang tatakbuhan para hingan ng tulong?” mariing kuwento ng KASAMA sa Chokepoint.

Kabilang sa mga tinutukoy na landgrabber sa Hermosa ay sina alias “LC” at alias “Canlas” na nagpayaman na diumano mula nang makamkam ang halos 20 ektarya sa loob ng Barangay Sumalo.

Hiniling din ng mga miyembro ng KASAMA na agarang imbestigahan ng Bureau of Internal Revenue kung paano nakapundar ng napakalaking bahay at commercial building sa Orani, Bataan ang isa sa sinasabing landgrabber at may-ari ng malawak na lupain sa Sumalo.

Ibinulgar din ng isang nakatira sa Sumalo na may ibinabahay din sa loob ng malawak na lupain sa Sumalo si “Canlas” kaya’t ‘di nito mabitiw-bitiwan ang nasabing malawak na lupain gayung wala naman itong pinanghahawakang titulo sa bulubunduking lupa ng Hermosa.

“Kaya’t hamon namin sa BIR na imbestigahan ang milyonaryong si alias ‘Canlas’ sa kanyang mga papeles o buwis na binabayaran sa lupa na inaangkin niya, kung mayroon nga itong hinahawakan,” ayon naman sa mga kagawad ng Barangay Sumalo.

Gusto ring paimbestigahan sa BIR at pulisya ang iligal na negosyo ni alias “Canlas” na diumano’y bagsakan ng iligal na troso at pagbili ng mga “illegal lumber” sa mga illegal logging syndicate sa bayan ng Bagac at Mariveles, sa lalawigan din ng Bataan.

Matatandaan na hanggang sa ngayon, nakabinbin pa rin sa Office of the Provincial Prosecutor ang kaso ng isang alkalde ng Bataan na nahulihan ng dumptruck na puno ng iligal na troso noong Enero 8, 2011 sa subdivision na tinitirhan nito sa Balanga City.

Bataan Gov. Tet Garcia, bossing…imbestigahan mo naman ang kuwento ng mga taga-Barangay Sumalo, Hermosa sa inyong lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply