Laptop ng UN ninakaw ng guest sa Shangrila

ARESTADO ang isang lalaki na naka-check in sa isang sikat na hotel sa Makati City matapos matuklasan na nagnanakaw ng apat na laptop na pag-aari ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) na nagdaos ng pulong sa Makati Shangrila Hotel.

Ayon kay Superintendent Jaime Santos, Makati Police OIC, natukoy nila ang suspek na nakilalang si Michael Genesis Reyes, isang bisita sa nabanggit na hotel makaraang magreklamo ang staff ng UNHCR na nawawalan sila ng apat na laptop computer kaya’t sinuri ng security ang CCTV ng ballroom at nakita sa video footage na bitbit nito at ng isa pang babaeng kasama ang mga laptop computer bags habang papalabas ng ballroom kung saan nagpupulong ang UNHCR.

Nang tanungin ng mga pulis, inamin ni Reyes kasama ang kasabwat na babaeng kinilala lamang sa pangalang MIssy na sila ang kumuha ng mga laptop subalit naipasa na nila sa isa pang kasabwat na kinilala sa pangalang Jaime Hortilano.

Nang magtungo ang mga imbestigador sa bahay ni Hortilano sa Luna St. Barangay 123 sa pasay City ay hindi ito nakita ng mga pulis. Humingi ng tulong ang mga pulis sa kapitan ng barangay at makaraan ang ilang oras ay bitbit na ng kapitan ang mga laptop subalit hindi kasama ang suspek na si Hortilano.

Nagtago na umano si Hortilano sa takot na makulong matapos i-surrender ang mga laptop sa kapitan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply