Larawan ng suspek sa pagpatay sa ama ni Charice ipinakalat na

KASABAY ng pagsasampa sa korte ng kasong kriminal kaninang umaga (Nobyembre 2), nagpalabas na rin ang San Pedro Police Office (SPPO) ng larawan ni Angel Capili Jr, pumatay kay Ricky Pempengco na ama ni Pinay singing sensation na si Charice.

Ito ang dalang balita ni SPPO chief Police Supt. Kirby Kraft nang magpunta ito sa burol ng ama ni Charice sa Divine Mercy Funeral Homes sa Muntinlupa dakong ala-1:00 ng madaling araw ng Nobyembre 2.

Inilarawan nito si Capili Jr. na 35-anyos, 5”5 ang taas, mahaba ang buhok, matipuno ang pangangatawan at extremely dangerous o mapanganib na tao dahil armado ito.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Kraft na plano rin nilang sampahaan ng kasong obstruction of justice ang may bahay ni Capili dahil sa pagtanggi nitong makipag-koordinasyon sa kanila.

“She claimed she had not seen her husband for a week but an initial investigation showed the suspect had left the area Tuesday morning,” pahayag pa ni Kraft.

Sinabi pa ni Kraft na ayon sa dalawang testigo, tinanong pa umano ni Ricky ang suspek kung bakit siya sinaksaksak nito.“Sabi ni Ricky, ‘Bakit mo ako sinaksak, wala akong ginawa?’ Tumayo siya, nakita ng suspek na tumayo, ‘Nakatayo ka pa ha,’ at muli sinaksak,” kuwento ni Kraft.

Samantala, kasalukuyan pa ring hinahanap ng Task Force Pempengco ang suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply