LBC Fairview nilooban, P150K natangay

NILOOBAN ang isang sangay ng LBC sa loob mismo ng Robinsons Mall Fairview bandang alas 8:00 kagabi.

Ayon sa empleyado ng LBC na si Abel Parac, pumasok umano ang dalawang lalaking nagpanggap na mga auditors kung saan ipinalabas ng mga ito ang lahat ng cash at binilang pa ito sa harapan niya.

Pagkatapos bilangin ay kaagad na itong nagdeklara ng holdap sa pamamagitan ng paglabas ng isang kutsilyo.

Pagkakuha ng salapi ay kaagad umalis ang mga holdaper subalit iniwan sa pinangyarihan ang ipinantutok na kutsilyo.

Napasugod ang ilang opisyal ng LBC sa naturang branch subalit tumanggi itong magbigay ng anumang impormasyon.

Samantala, hindi inisantabi ng pulisya na maaaring nagkaroon ng inside job sa naturang holdap dahil sa panahon umano ng nakawan ay hindi gumagana ang CCTV ng LBC.

Ipinagtataka pa ng pulisya kung papaano nakapasok sa loob ng mall ang kutsilyo na sinasabing ginamit sa panghoholdap dahil sa higpit ng pag-iinspeksyon ng mga guwardiya rito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply