LBC ninakawan sa kasagsagan ng laban ni Pacquiao

HINDI pa rin matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nanamanlata sa Pacquiao-Marquez fight kahapon (Nobyembre 13) upang pasukin at holdapin ang isang LBC Branch sa Catbalogan kung saan natangay ang P600,000.00, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, patuloy ang isinasaagwang manhunt operation ng mga elemento ng  Catbalogan PNP laban sa mga suspek na nanghodap sa LBC Branch sa sinamantala ang pagiging abala ng mga tao sa panonood ng nabanggit na laban.

Ayon kay P/Supt. Avelino Bugtong Doncillo Jr., hepe ng Catbalogan PNP, plano rin ng mga awtoridad na magkipag-ugnayan sa mga empleyado ng LBC para sa pagkakakilanlan ng tatlong suspek.

Dagdag pa ni Doncillo, makikipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng Samar Police Provincial Office para sa lalong ikadadali ng pagresolba sa nasabing kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply