Legal info sa online site inilunsad ng DAR

INILUNSAD ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang  Legal Information System Online kung saan maaari nang ma1-access ng publiko ang mga impormasyong may kinalaman sa kautusan at inilalabas na mga alituntunin ng departamento at mas maisaayos ang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kliyente.

Ayon kay DAR Secretary Gil de los Reyes, mahigit 12,000 memorandum orders at circulars ang kanilang na upload sa kanilang website, kung saan kakaiba at bago ang kanilang mga inilabas na features on site.

“This is our way of keeping with the President’s mandate of openness and transparency in our service to the people,” ani De los Reyes .

Dagdag pa ni Reyes na ang nasabing online service ay magsisilbing mapagkukunan ng mga impormasyon at research at magagamit ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral at malinawan sila ukol sa legalidad at prinsipyo ng ahensiya sa kanilang mga inilalabas na batas at desisyon.

Ang DAR-Legal Affairs Office na pinamumunuan ni Undersecretary Anthony Parungao ang nagpasimula ng hakbang para mabuksan at maipaalam sa publiko ang legal archives ng departamento na isinagawa ng CD Technologies Asia, Inc. (CD Asia), ang pangunahin at may 17 taon nang karansan sa electronic legal publishing sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply