De lima pinagso-sorry sa mga Arroyo

SINUPORTAHAN ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang panawagan ng kampo ni dating First Gentleman Mike Arroyo NA paghingi ng public apology ni Justice Secretary Leila de Lima.

Ang panawagan ng kampo ni Ginoong Arroyo ay ginawa matapos lumabas na walang katotohanan ang naging pahayag ni de Lima na paghingi ng political asylum sa Dominican Republic ng dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Sotto, dapat lamang na humingi ng paumanhin sa publiko si de Lima sa agarang pahayag nito ng paghingi umano ng political asylum ng dating pangulo na nakuha lamang ang impormasyon sa pamamagitan ng text messages.

Ipinaliwanag ni Sotto na bilang kalihim ng DOJ, hindi dapat naniwala si de Lima sa halip ay kinumpirma muna ito sa embahada ng naturang bansa, bago nagpahayag sa media.

“Department of secretary ka napakadaling mag-verify at magtanong sa embahada, you owe a public apology,” wika pa ni Sotto.

Sa kabilang banda binatikos naman ni Senador Panfilo Lacson si de Lima sa pagkakamali ng pahayag.

Ayon kay Lacson, bago pumasok ng giyera si de Lima dapat na nag-isip muna ito na bago magpaputok at dapat na sinugurado siya na marami siyang bala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply