LGUs na nag-donate ng financial assistance, pinagsusumite ng inventory

PINAGSUSUMITE ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng accounting at inventory ang lahat ng local government units (LGUs) na nag-donate ng financial at iba pang assistance sa kanilang lokal na police stations at maging sa mga fire stations.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, bahagi pa rin ito ng transparency at imbentaryo na rin ng mga idino-donate sa mga attached agencies ng DILG.

Wala pa anyang malinaw na sistema sa pag-account sa mga donasyon ng LGUs at ito rin ang kadalasang nasisilip ng Commission on Audit (COA).

Sinabi ni Robredo na ang gagawing imbentaryo ng mga donasyon ay makakatulong din sa bubuuing polisiya ng DILG at upang malaman na rin kung alin pang mga tanggapan ang nangangailangan ng mga karagdagang gamit.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply