Libreng sakay sa EDSA bukas, alok ng MMDA

MAGBIBIGAY ng libreng sakay ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa mga pasaherong babagtas sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) bukas.

Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, ang kanilang alok na libreng sakay ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-36 founding anniversary ng ahensya.

Ayon pa kay Tolentino, bibiyahe ang kanilang mga bus sa EDSA para magbigay ng libreng serbisyo sa mga pasahero.

Bahagi rin ng okasyon bukas ang iba’t ibang inilatag na aktibidad ng ahensya tulad ng five-kilometer fun run sa Bonifacio Global City na lalahukan ng may 500 kawani ng ahensya bandang 5:00 ng madaling-araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply