Libro ng Big 3 pinabubuksan sa Kamara

HINAMON ni Dasmariñas, Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang mga kompanya ng langis na buksan ang kanilang libro sa isang imbestigasyon na isasagawa ng Kongreso.

Binigyang diin ni Barzaga na panahon na upang ipatawag ng House Committee on Energy ang mga opisyal ng malalaking kompanya ng langis lalo na ang tinatawag na “big 3” dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng langis sa bansa.

Sa kanyang panawagan para sa imbestigasyon, binanggit ni Barzaga na ang presyo ng produktong petrolyo at gasolina ay ibinaba ng P1 hanggang P2 bawat litro nitong buwan ng Oktubre kasunod na rin ng pagbaba sa presyo nito sa pandaigdigang merkado.

“Despite the said rollbacks announced by these oil companies, fuel products purportedly remained overpriced and oil firms still owe consumers bigger cuts in its fuel pump prices,”ayon kay Barzaga.

Tinukoy ng mambabatas ang kahilingan ng iba’t ibang sektor na magbaba ng hanggang P9 ang presyo ng gasolina bawat litro sa pagsasabing mabilis magtaas subalit napakahirap magbaba ang Pilipinas Shell, Chevron Philippines at Petron.

Nais din ng kongresista na repasuhin ang Oil Deregulation Law at iba pang kahalintulad na batas upang mapag-aralan kung anong mga pagbabago ang dapat na gawin upang mapaangat pa ang industriya ng langis sa bansa.

Nauna rito ay inatasan ni Pangulong Aquino ang Bureau of Internal Revenue at Departments of Finance, Energy at Justice na siyasatin na ang libro ng mga kompanya ng langis dahil sa hindi aniya makatarungang pagtataas sa presyo nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply