Libro ng Maynilad, Manila Water pinabubuksan sa publiko

HINAMON ng isang kongresista ang Manila Water at Maynilad na gayahin ang ginawa ng mga kompanya ng langis na binuksan ang kanilang ‘book of accounts’ sa publiko upang ipakita na hindi sila kumikita ng labis-labis.

Ginawa ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang hamon sa Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. na nauna niyang inakusahan ng paniningil ng sobra sa pamamagitan ng diumano’y pakikisabwatan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Nanawagan na rin ang mambabatas sa Commission on Audit na siyasatin ang MWSS, MWC, Maynilad maging ang MWSS-Regulatory Office dahil sa seryosong iregularidad at pag-abuso sa implementasyon ng mga singil na mataas.

Nais ni Herrera-Dy na mabatid kung nagmalabis ang naturang mga kompanya sa paniningil ng water rates.

Sa kanyang liham kay COA Chair Gracia M. Pulido-Tan, hinimok ni Herrera-Dy ang COA na “exercise any and all administrative and investigatory functions in looking into the hole range of systematic violations committed by the MWSS, the MWSS Regulatory Office and the two concessionaires – Maynilad Water Services Inc. and the Manila Water Co. Inc.”

Dagdag pa ni Herrera-Dy na may kapangyarihan ang COA na magsiyasat upang maproteksyunan ang publiko laban sa mga mapagsamantalang negosyo.

Tinukoy pa ng kongresista na noong 1997 ay nasa P7.21 per cubic meter ang singil ng Maynilad na ngayon ay nasa P33.32.

Ang MWC aniya noong 1997 ay naniningil lamang ng P4.02 per cubic meter ngunit ngayon ay umaabot na sa P30.34 per cubic meter.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply