Libu-libong pekeng tsinelas nakumpiska

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) ang libo-libong pekeng tsinelas sa Davao City, iniulat ngayon ng pulisya.

Batay sa report, walong business establishments ang sinalakay dahil sa pagbebenta ng huwad na branded na tsinelas na ibinebenta sa murang halaga kung ihahambing sa orihinal na tsinelas.

Ayon kau P/Insp. Christian Garcia ng CIDG, ang pagsalakay ay isinakatuparan sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court (RTC) branch 34.

Nauna rito sinalakay ng mga tauhan ng CIDG ang limang business establishment sa General Santos dahil sa pagbebenta ng mga pekeng produkto. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply