Liderato ng Kamara sinisi sa RH bill delay

TULUYAN nang nawalan ng pasensya ang mga pro-RH advocates na patuloy na sumasaksi sa debate ng mga kongresista.

Nagkaroon ng kaunting tensyon sa plenaryo kagabi (Nobyembre 29) nang magsisigaw ang ilang tagasuporta ng kontrobersyal na Reproductive Health bill habang tinatalakay ng mga kongresista ang naturang panukala.

Pagkatapos ratipikahan ang 2012 proposed national budget ay tumayo si Akbayan Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao upang ipanawagan sa mga kongresista na ihinto na ang debate sa RH bill at isalang na ito sa botohan.

Ngunit agad na sinalag ito ni Leyte Rep. Sergio Apostol nang kaniyang harangin ang mosyon ni Bag-ao.

Sa galit ay tumayo sa gallery ang ilang tagasuporta ng RH bill at nagsisigaw ito dahil sa patuloy na pagkabalam sa pagpapasa nito.

Kumilos naman agad ang security at agad pinalabas ang nabanggit na mga RH supporters.

Bago ang insidente sa plenaryo ay sinisisi na ni Ramon San Pascual, Executive Director ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development Foundation, Inc. (PLCPD), si House Speaker Feliciano Belmonte dahil sa mga pangako nitong ipapasa ang RH bill at lantaran niya pa itong sinusuportahan.

“He gave the RH advocates false hope, later we realized, it was all an act meant to delay the bill further,” ayon kay San Pascual.

Giit pa ni San Pascual na napakalaki ng tiwala at pag-asa ng PLCPD sa liderato ni Belmonte na isusulong niya ang pagsasabatas ng RH bill kagaya ng pagpapasa ng katulad na ordinansa sa Quezon City nang siya pa ang alkalde nito.

“It’s not railroading when in fact the RH bill has been debated for so long and all possible issues and concerns has already been exhausted. Repetitive questions being thrown in the plenary are not really meant to clarify but a clear act of dilatory tactics from the anti-RH camp. After 10 years of endless debates, we get to the point of being exasperated,” ani San Pascual. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply