Life Achievement Award para kay La Aunor sa CineManila International

NASA ika-13 taon na pala ang Cinemanila, at ibig sabihin nito ay 13 taon na rin na ito ang nag-iisang international film festival sa bansa. Sa pangalawang pagkakataon ay sa Taguig (na “city” na pala ang status ngayon) muli idaraos ang Cinemanila, at ang magiging venues ng pagtatanghal ay ang mga sinehan sa Market! Market! mall, at ang function rooms ng Fully Booked bookstore.

Walumpong pelikula mula sa 30 bansa ang nakatakdang ipalabas, at ang ilan sa mga ito ay ipalalabas open air sa High Street sa Fort Bonifacio Global City. Later on, simula sa January 2012, magpapalabas din ng libreng sine sa iba’t ibang lugar sa Taguig. Bale hindi pitong araw lang ang itatagal ng CineManila sa pakikipagtulungan ng meyor ng syudad na si Lani Cayetano, dahil mag-oorganisa pa sila later on ng mga film workshop di lang tungkol sa paggawa ng pelikula kundi pati na sa mas malalim at mas matinong pag-a-appreciate ng pelikula bilang sining.

Siyempre pa, ang founder ng Cinemanila na si Direk Tikoy Aguiluz pa rin ang festival director nito hanggang ngayon. At sa taong ito ay mukhang mas malawak ang coverage ng Cinemanila kesa nung mga nagdaang taon. Dahil napuna ni Direk Tikoy na nahihilig ang mga Pinoy sa panonood ng football dala na rin ng biglang pagsikat ng Azkals, may seksyon ang festival na pawang may kinalaman sa football ang mga obrang itatanghal. Kabilang rito ang gawa ng Pinoy na si Jim Libiran na ang titulo ay Happy Land. Tungkol ito sa mga batang kalye na ang mga buhay ay naging mas makahulugan at mas makulay dahil natuto silang maglaro ng football at nagtayo sila ng sarili nilang team.

Indie film ang Happyland, gaya rin ng kauna-unahang pelikula ni Jim, ang “Tribu,” na nagwaging best picture sa Cinemalaya ilang taon na ang nakararaan. May guest appearance si Phil Younghusband ng Azkals sa Happyland.

May ipalalabas ding horror movies tulad ng I Saw the Devil from Korea, Vanished: Age 7 from Japan, The Tunnel from Australia, Suspiria from Italian Master of Horror, Dario Argento, who’ll receive a Lifetime Achievement Award.

Other acclaimed film you shouldn’t miss are Pina (opening film) by German Wim Wnders, 13 Assassins by Japan’s Takashi Mike, Blind by Anh Sang Hoon of South Korea, Once Upon a Time in Anatolya by Nuri Ceylan of Turkey, Tropa de Elite by Jose Padilla of Brazil, The Mirror Never Lies by Kamila Andini of Indonesia, Nightfishing by Park Chan Wook of South Korea whose acclaimed Old Boy is now being remade in the States.

Competing in the Digital Lokal indie competition are Sakay sa Hangin by Regiben Romana, Senyorita by Vincent Sandoval, Sa Kanto ng Ulap at Lupa by Mes de Guzman, and Lawas Kan Pinabli by Christopher Gozum. There will also be short films and documentaries.

Bilang tribute Nora Aunor, na tatanggap din ng Lifetime Achievement Award, ipalalabas ang apat na award-winning movies n’ya: Bona, Himala, Minsa’y Isang Gamo-Gamo at Tatlong Taong Walang Diyos. For the schedule of film screenings, log on to w.cinemanila.org.ph.

Ang Italian Film Festival naman ay sa Greenbelt 3 gaganapin. Actually, Moviemov:  Italian Cinema Now ang opisyal na titulo ng festival. Libre ang mga palabas, at ilan sa pelikulang itatanghal du’n ay yung mga gawa ni Argento (na siyang pararangalan ng Cinemanila), partikular na ang Dracula 3D, Suspiria, at Profondo Rosso (Deep Red). Ang festival ay proyekto ng Embassy of Italy, Film Development Council of the Philippines, the Philippine-Italian Association, in cooperation with Rustan’s, The Peninsula Manila, the Cultural Center of the Philippines, and in collaboration with Asiatica Film Mediale (organizers of the most important Asian Film Festival in Italy) and Playtown (organizers of the Film Festival in Rome).

Ipalalabas din sa Italian Film Festival ang mga pelikula ni Bernardo Bertolluci na Last Tango in Paris, The Last Emperor, The Dreamers at The Conformist. Actually, may Filipino films din na itatanghal, particular na ang Serbis, Kinatay, at Lola, na mga obra ng internationally acclaimed na si Brillante “Dante” Mendoza. Para sa iskedyul ng pagtatanghal, mag-log on sa  www.italiancinemanow.it.

***

MAY tatlong film festivals na magaganap sa Metro Manila mula November 9: ang 2011 CineManila International, ang Cinema One, at ang Italian Film Festival. Parang ngayon lang magaganap sa bansa ang ganito. Gayunman, hindi yon ang pinagkakaguluhan tungkol sa Pinoy showbiz kundi ang mga pinaghihinalaan na utak sa pagpaslang sa batang aktor na si Ram Revilla na walang iba kundi ang mga kapatid n’yang sina Ramon Joseph “RJ” at Ramona Bautista.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply