Lifestyle check sa medical practitioners pinag-aaralan na ng BIR

PINAG-AARALAN na ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagsasagawa ng lifestyle check sa mga doktor at iba pang medical practitioners.

Sa gitna na rin ito ng reklamo ng mga doktor na pangha-harass umano ng BIR sa kinikita ng mga ito at hindi nagbabayad ng tamang buswis.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares na layon nitong matukoy kung may mga doktor na umiwas sa pagbabayad ng tamang buwis kahit malaki ang kanilang kinikita.

Gagamitin umano ng BIR  sa lifestyle check ang mga dokumento mula sa Bureau of Immigration (BI), Land Transportation Office (LTO), Manila Electric Company at maging credit card firms.

Iginiit ni Henares na hindi nila sini-single out o pinag-iinitan ang mga doktor bagkus ay ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin laban sa mga tax evaders. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply