Lipad, pangarap, lipad (2)

ARAW-ARAW ay mayroong misa si Father Angel sa kanyang parokya – ang St. Michael Parish, subalit inilalaan niya ang kanyang weekend para sa Filipino community doon.

“Ang role na kailangang-kailangan dito is your presence para sa kanilang pangangailangan. Marami silang pangangailangan, but in general yung personal support lang, kadalasan, punong puno,” madamdaming pahayag niya.

Katuwang ang iba pa nating kababayan sa nasabing bansa ay nagawang makatulong ni Father Angel sa pamamagitan ng mga simpleng bagay na kanyang ibinibigay ngunit hindi sapat ang minsang pagtulong sapagkat para sa kanya kung magtutulungan lamang tayo upang maiangat ang buhay ng isa’t isa ay walang maghihirap at kung ang bawat tao ay magkakaroon ng puso para sa kanyang kapwa ay hindi imposible na balang araw ay guminhawa ang lahat at makamit ang langit na  pinangangarap natin.

“Ngayon na ang panahon ng pagbabago. Walang madali, lahat tayo tulong tulong at palagay ko sa loob ng anim na taon, e sana maka-uwi na ang lahat ng Filipino sa Pilipinas. Yung Pilipinas naman ang iangat natin kasi nakalubog na tayo masyado. Kasi inaangat natin ang ibang bansa, inaangat natin ang ibang lahi pero yung lahi natin napahahamak,” saad niya.

Sa buhay ni Father Angel ay nakita natin kung paanong ang isang simpleng pangarap ay naging malaki, mula sa pagtatagumpay ng sarili ay nangarap siya na maiangat ang isang lahi – ang lahing Filipino.

Hayaan nating lumipad ang ating mga pangarap at lumawak ang ating isip at pang-unawa hanggang sa marating natin at maabot ang langit na ating pinapangarap.

Tunay na ang lahat ay nagsisimula sa isang pangarap, pangarap na magsisilbing gasolina upang pag-alabin ang apoy ng ating mga adhikain nang sa gayon ay maabot natin ang langit na minsa’y ating nasumpungan sa mundo ng mga pangarap.

oOo

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply