Lipad, pangarap, lipad!

PAGIGING piloto ang pangarap ni Father Angel noong siya ay bata pa, subalit tunay nga na may sariling plano at kaparaanan ang Maykapal kung paano niya gagamitin ang ating buhay upang maging pagpapala sa iba.

Bata pa lamang si Father Angel ay tumutulong na siya sa kanyang pamilya rito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang negosyo.

“Tumutulong ako sa maliit na negosyo ng pamilya namin. Ako ang umaayos ng mga suweldo, sa makina namin, tapos ako ang utusan sa aming pamilya,” salaysay niya.

Dumating ang panahon na kinailangan na niyang mamili ng daang tatahakin sa buhay, noong una ay ninais niyang lumipad at maging isang piloto, subalit natagpuan niya ang kanyang sarili na naglilingkod sa Panginoon bilang isang pari.

Nakarating si Father Angel sa iba’t ibang bansa gaya ng Zambia sa Africa at Sydney sa Australia bilang isang misyonero.

Hanggang sa dinala siya ng kanyang kapalaran sa Lion’s City – ang Singapore.

“In 1999, napunta ako rito sa Singapore to take care of the Filipino migrants. Chaplain ako rito ng mga migrant,” kwento niya.

Bagama’t nakadama ng pa-ninibago sapagkat napaka-organisado ng bansang Singapore ay naging mabilis para kay Father Angel ang pag-aadjust sa bagong lugar na kanyang napuntahan at tahanan.

Doon ay naging abala siya sa pagtulong sa ating mga kababayan hindi lamang sa kanilang espiritwal na buhay kundi maging sa kanilang suliraning emosyonal.

Siya ang nagsisilbing balikat na sinasandalan ng ating mga kababayan na nagkakaroon ng suliranin doon at siya ang kamay na umaabot sa mga OFW doon na walang malapitan.

Sa pamamagitan ng kanyang mga misa at ng pahayagang – Pinoy Star, na kanilang itinatag ay naging madali upang maramdaman ng ating mga kababayang naroon na may-roon silang
pamilya, kaibigan at ama na maaring lapitan bagama’t sila ay nasa malayong pook.

oOo

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng

Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply