Live coverage sa pagdinig sa kaso ni GMA iginiit

DAHIL pinahintulutan noon ang Estrada Trial, iginiit ngayon ng isang grupo na gawin din ngayon ang live coverage sa pagdinig sa kaso ni Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ang kahilingan ay isinusulong ni Agham Party-list Rep. Angelo Palmones kaugnay sa hirit nilang mambabatas na magkaroon ng live coverage sa pagdinig sa kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal–Arroyo upang mabatid ng publiko ang mga magaganap sa loob ng korte.

Ayon kay Palmones, mayroon namang available na prescribed rules na susundin sa magiging coverage.

Transparency lang naman ang kanilang nais pero nasa desisyon na ng Korte Suprema kung ito ay papayagan.

Iginiit pa ni Palmones na ang kaso ni Ginang Arroyo ay isang political issue kung saan inaakusahan siyang nagkaroon ng pagkakasala sa bayan na dapat lamang malaman at makita ng publiko. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply