Live coverage sa trial ni GMA oks sa mga kongresista

HINILING ngayon ng mga mambabatas ang live na pagsasahimpapawid ng pagdinig sa kasong electoral sabotage ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Malaki ang paniwala nina AGHAM Party-list Rep. Angelo Palmones at San Juan City Rep. Joseph Victor Ejercito, na sa ganitong paraan ay maipapakita ang transparency sa makasaysayang pagdinig ng korte.

Bukod pa dito, anila maipapakita rin umano sa publiko ng kampo ng dating Pangulo na wala silang kasalanan.

Pabor din sa live coverage ang chairman ng House public information committee na si Eastern Samar Rep. Ben Evardone at sinabing isa rin umano itong paraan upang masiguro ang paglabas ng buong katotohanan sa mga bintang laban sa dating Pangulo.

Aniya, marapat din na magkaroon ng full access ang publiko sa paglilitis upang maiwasan ang anumang suspetsa dahil makikita dito kung sino ang gagamit ng delaying tactics.

Kumbinsido rin si Evardone na may negatibong epekto ang live coverage at ito ay ang posibleng magamit sa grand standing ng magkabilang kampo.

Subalit mas mabigat pa rin umano ang pangangailangan dito para sa pampublikong interes sa kaso kumpara sa mga gugustuhing magpasikat sa gitna ng paglilitis kay Gng Arroyo.

Sa panig naman ni Cavite Rep. Emilio Abaya, sinabi niyang kung hindi uubra ang live coverage ay dapat na may regular update na lamang sa pagdinig ng kaso.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply