LMP nanawagan ng pagkakaisa

NANAWAGAN ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) na kinabibilangan ng mga magkakaibang personalidad mula sa iba’t ibang political parties na magkaisa na ang bawat munisipalidad sa bansa para mapalago ang ekonomiya, turismo at seguridad ng bawat isa.

Ang panawagan ng LMP ay sa gitna nang patuloy na pamumulitika sa bansa bunsod ng pagkakadakip kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong pananabotahe ng nakaraan 2007 election.

Ayon kay LMP National President at Bacoor Mayor Strike Revilla, walang mangyayari kung makikisali lamang sa pulitika kaya mainam na ang mga kapwa niyang municipal mayors ay umiwas na lamang dito at ilaan ang atensyon para mapalakas ang bawat sinasakupang lugar, pati na rin mga karatig na munisipalidad.

Sinabi ni Revilla na ito ang nais niyang iparating sa mga kapwa alkalde, habang siya ang namumuno sa LMP, na alisin an ang mga iba’t ibang political views at paksyon at magkaisa.

Nanawagan na rin si Revilla sa mga alkalde na pag-isahin ang mga pananaw ng bawat isa para makaabante.

“I take on the challenge that you conferred me. With LMP, with our alliance, we can draw strength, potency that can better guide us to ultimately achieve what we are aspiring for our communities. With our united effort we will be able to conceive a different kind of synergy that capacitates each of us in harnessing our resources,” pahayag ni Revilla sa kanyang naging acceptance speech bilang National President.

Habang papalapit na ang LMP general assembly, sinabi ni Revilla na dapat ay alisin na ang political factions.

Nakatakdang magsagawa ang LMP ng kanilang general assembly sa susunod na linggo, Dec. 5-7 sa Cebu International Convention Center sa Cebu, kilalalng festival capital of the Philippines.

Inaasahang ibibida ni Mayor Strike ang mga nagawa niya bilang LMP national president, na may mandate na maglingkod mula 2010-2013. Inaasahang dadalo ang higit 1,500 municipal mayors mula sa buong bansa.

Sa nagdaang eleksyon, bukod kay Revilla, itinalaga rin si Mayor Reynaldo Navarro ng Laak, Compostela Valley, bilang Vice President for Operations. Si Mayor Nelson Garcia ng Dumanjug, Cebu bilang Vice President for Internal Affairs. Si Mayor Datu Ibrahim Mangudadatu ng Buluan, Maguindanao naman ang Vice President for External

Affairs Kabilang naman sa mga natalagang opisyal sina: Pasil, Kalinga Mayor James Edduba, Executive Vice President for Special Concerns; Daraga, Albay Mayor Jerry Jaucian, Island Cluster President for Luzon; Aklan Mayor Ramon Legaspi, Jr., Island Cluster President for Visayas; Aleosan North Cotabato Mayor Loreto Cabaya, Island Cluster President for Mindanao. Si Mayor Victoria Lim ng Gasan, Marinduque ang ibinoto na national treasurer, habang si Mayor Franklin Lim ng Santiago of Agusan del Norte ang national auditor.

Si Mayor Rosemarie Imboy ng Loay, Bohol ang business manager, habang si Mayor Rony Molina ng San Jose de Buenavista, Antique ang public relations officer at si Mayor Ramon Orfanel ng Catanauan, Quezon ang general legal counsel.

Si Mayor Roel Paras ng Malalag, Davao del Sur ang itinalaga na Secretary General, at si Mayor Manuel Fortes ng Barcelona, Sorsogon ang LMP National Spokesperson. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply