Loan blockade vs mayayaman isusulong

NANAWAGAN si Sen. Ralph Recto sa lahat ng government financial institutions na ipatupad ang loan blockade sa pribadong kompanya na pag-aari ng mayayaman tulad ni Roberto Ongpin upang maiwasang maulit ang inutang nitong P660 milyong sa Development Bank of the Philippines (DBP na itinuturing na behest loan.

“Kroni man o hindi, dapat hindi payagan ang mga pribadong kompanya at mayayamang may-ari nito na makisawsaw sa loan portfolio ng bangko ng estado upang maiwasang maulit ang hinihinalang P660 milyong behest loan na inaprubahan ng DBP kay Ongpin,” ayon kay Recto.

Sinabi ni Recto na maaaring magkaroon pa ng panibagong behest loan sa hinaharap mula sa bangko ng pamahalaan tulad ng DBP at Land Bank of the Philippines maliban na lamang kung magsasagawa ng reporma sa patakaran ang opisyal ng ating bangko.

Ayon kay Recto, dapat hindi magbibigay ng pautang ang DBP at LBP sa malalaking kompanya at sa halip magtupad ng magaang pautang para sa lumalagong sektor ng agrikultura, pangisdaan at SME sector.

Sa ganitong pamamaraan, sinabi ni Recto, hindi na makasasawsaw ang dambuhalang kompanya sa pondo ng bangko nge estado at sa halip uutang sila sa pribadong kompanya sanhi ng loan blockade.

Iginiit pa ni Recto na tungkulin ng DBP at LBP na mag-alok ng mababang murang pautang sa magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante ngunit hindi mahusay na naipatutupad.

Dahil dito, sinabi ni Recto na nakatakda siyang maghain ng panukalang batas upang maisakatuparan ang ganitong sistema upang baguhin ang karta ng DBP at LBP at tuldukan ang pananamantala ng malalaking negosyante sa salapi ng gobyerno.

Nauna nang dumalo si Ongpin sa pagdinig ng Senado na pinabubulaanan ang paratang na nakakuha siya ng multi milyong utang sa DBP dahil malapit niyang kaibigan ang dating first gentleman Mike Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply