Lola na ayaw magpatira, kinatay ng bagets

DAHIL sa pagkabitin ng 19-anyos na binatilyo sa isang lola nang tumangging makipag-sex sa kanya kaya nagawa niya itong pagtatagain sa loob mismo ng bahay ng huli sa Brgy. Aranas, Balete, Aklan, sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp crame, kinilala ang suspek na si Erwin dela Cruz, habang dead on the spot naman ang biktimang si Luzviminda Macahilig, 59, kapwa ng Baranmgay Aranas.

Una rito, dumating sa bahay ng biktima ang suspek at nakiusap na kung maaari ay duon na lamang makitulog .

Dahil sanay naman ang biktima na natutulog duon ang binatilyo dahil kaibigang matalik ito ng kanyang anak ay pinatuloy niya ito na nagkataon namang nag-iisa lamang siya ng mga oras na iyon.

Sa imbestigasyon, lumalabas na lasing ang binatilyo at dahil nagkataong nag-iisa lamang ang biktima ay pinasok ng kamunduhan ang utak ng suspek.

Bigla na lamang umanong hinila ng suspek ang lola at tinangkang gahasain pero pilit na nanlaban ang matanda at humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Nataranta naman ang suspek nang magsisigaw ang lola kaya’t pinagsusuntok niya ito at hindi pa nasiyahan ay tinaga pa ng ilang ulit sa  iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang nadakip ng pulisya ang suspek at kasalukuyan ng nakakulong sa Balete PNP station.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply