Lolo natagpuang patay sa Capiz

ISANG 66-taong gulang na lolo ang natagpuang patay sa kanyang sariling kusina sa Barangay Tanza Norte, bayan ng Panay sa Capiz.

Ang biktimang si Brillo Billiones ay isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ng barangay kapitana na si Barangay Kapitan Lilibeth Billiones.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa sanhi ng pagkamatay ni lolo Brillo. Tinitingnan din ng Panay PNP kung nagkaroon ng foul play ang pagkamatay ng biktima.

Napag-alaman na nag-iisa lang sa kanyang bahay ang matanda at wala itong kasama.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply