Lolo, paslit patay sa gumulong na ‘skates’

ISANG lolo at isang 6-anyos na lalaki ang nasawi makaraang mabangga ang pampasaherong skates sa riles sa lalawigan ng Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na sina Christian Anecito, 6, at Bernardo Samar, 64, kapwa taga Barangay Burabod, bayan ng Pamplona.

Bukod dito, sugatan din ang driver na si Jesser Ramos at isa pang sakay ng nasabing sasakyan subalit hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Nabatid na galing ng Barangay Poblacion ang skates nang mabangga ang bata hanggang sa madiskaril ito at tuluyan nang matumba.

Gumulong umano ang skates hanggang sa mahulog ang tatlong sakay at tumilapon ang isa sa mga biktima.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang driver habang hinihintay naman ang magiging desisyon ng pamilya ng mga biktima kaugnay sa naturang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply