Lolo utas sa ex-mister ng bebot na nililigawan

NAGKAHIWA-HIWA ang katawan ng isang lolo nang pagtatagain ng dating mister ng babaeng pinopormahan nito sa Antique.

Dead on the spot sanhi ng taga sa kamay,paa, dibdib at sa iba pang parte ng katawan si Jaime Vicente, 61, ng Barangay Nazareth Sibalum, Antique.

Nahuli naman agad ng pulisya at nakakulong na ngayon sa Sibalum PNP ang suspect na si Romeo Millamina, kalugar ng biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas 6:40 nitong Lunes ng gabi sa bahay ng dating asawa ng suspek sa nasabing barangay.

Ayon kay PO2 Fredick Padilla ng Sibalum PNP, bago ang insidente ay malaki ang selos ng suspek sa biktima dahil simula nang maghiwalay silang mag-asawa ay lagi nitong dinadalaw ng kanyang misis.

Lalo pang grumabe ang pagseselos nang madatnan ng suspek ang biktima kamakalawa ng gabi na nasa bahay ng kanyang asawa na si Vicente.

Sa puntong ito, hindi na napigilan pa ng suspek ang galit kaya pinagtatataga na nito hanggang sa mapatay ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply