Lolong itinanghal na pinakamalaking buwaya sa mundo

SI LOLONG na ang opisyal na pinakamalaking nahuli na buwaya sa mundo.

Ito ang inihayag ngayon matapos na pormal na masukat si Lolong ng mga taga-National Geographic Channel.

Si Lolong ay may laking 20.3 feet at ngayon ay center of attraction sa Bunawan Agusan del Sur.

Nahuli si Lolong kamakailan ng mga residente ng nabanggit na lugar sa loob ng tatlong araw na paghahanap dahil pinaniniwalaang si Lolong ang kumain ng buhay sa ilang magsasakang nawawala.

Nabibilang sa saltwater crocodile si Lolong na ngayon ay maayos na nakakulong at inaalagaan ng lokal na pamahalaan ng Bunawan Agusan del Sur.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply