Loren kay PNoy: Tuldukan na ang women abuse

HINDI matatapos ang karahasan sa kababaihan kung hindi kikilos ang administrasyo ni Pangulong Benigno Aquino III upang tuluyan nang masugpo ang kawalan ng proteksiyon sa kahalagahan ng kababiahan sa bansa, ayon kay Sen. Loren Legarda.

Sa paggunita ngayon ng International Day for the Elimination of Violence Against Women, ay hinikayat ni Legarda ang administrasyon na “kumilos” na siyang magtatapos sa lahat ng uri ng pang-aabuso laban sa kababaihang Filipino.

“Labing-anim na taon ang nakalipas matapos ipasa ng bansa ang kauna-unahang special law upang protektahan ang kababaihan laban sa pang-aabusong seksuwal at anim pang sumunod na batas, patuloy tayong binabagabag ng tumaas na bilang ng insidente ng karahasan laban sa kababaihan,” ayon kay Legarda.

Ani Legarda, tumaas ng 52 porsiyento ang bilang ng kaso ng Violence Against Women (VAW) na base sa ulat ng Philippine National Police mula noong 2009 na batay naman sa opisyal na datos na nakalap ng Commission on Women.

Mula sa 3,687 noong 1997, tumalon sa 15,104 kaso ang naitala noong 2010.

Higit pa rito, tinutukoy ng United Nations (UN) studies na isa mula sa tatlong kababaihan sa buong mundo ang sinasaktan, pinipilit sa sex, o inabuso sa kanyang buong buhay habang tinaya naman ng World Bank na ang kababaihan na may edad na 15 anyos hanggang 44 anyos ang nagiging biktima ng panggagahasa at domestic violence kaysa sa taong nagkakasakit ng kanser, nasangkot sa aksidente sa sasakyan, apektado ng giyera o tinamaan ng malaria.

Ipinanghihimutok ni Legarda na sa kabila ng may litanya ng batas ang bansa – tulad ng Anti-Mail Order Bride Act (RA 6955), Anti-Sexual Harassment Act (RA 7877), at ang Anti-Discrimination against Women Act (RA 6725), na may layunin na protektahan ang kababaihan, patuloy ang pang-aabuso sa ating kababiahan.

Dagdag pa ni Legarda, matutuldukan lamang ang pang-aabuso sa mga kababaihan kung maayos na maipatutupad ang mga batas ukol dito at nang sa gayon ay maipakukulong ang sinuman na umaabuso sa mga ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply