Lotteng sa Catanduanes protektado ng lahat

RAMPANT pa rin daw ang pagpapataya ng iligal na lotteng sa Isla ng Virac, Catanduanes.

Ang isa sa marami at malakas na kabo na pinag-iintregahan ng pera sa pataya ay ang anak ni Kap. Edu Gianan na si Ivan ng Barangay Concepcion, Virac.

Samantala, sa San Pablo naman, ang kabo ay misis ni Kap. Rudy Asuncion. Sa Calolbon ay isang nagngangalang David San Roque na isang municipal secretary pa naman.

Sa Northern, ang kabo naman ay si alyas Boyet Taba, sa Eastern ay si Mr. Olanka at sa Virac naman ay si Greg Ortiz at siya rin ang operator ng buong isla.

Ang mga tumatayong collector  naman ni Greg sa operasyon ng lotteng nito ay sina alyas Jao, Bong atbp.

Bukod sa operator ng iligal na lotteng sa Catanduanes, itong si Ortiz ay nag-mamay-ari pa ng isang napakalaking sabungan sa Albay.

Siya rin ang taga-bigay ng “lagay” sa mga “Pinapanginoon sa Catanduanes.  (Abangan)

Managot ang dapat managot sa sunog

DAPAT imbestigahan ng Ombudsman ang naganap na sunog kamakailan na siyang dahilan ng pagkawasak ng barangay hall ng Brgy. Marcelo Green sa Parañaque City. Milyon-milyong ari-arian ng gobyerno ang naabo sa natupok na tanggapan na dapat sana ay nasa adelentera ng fire prevention.

Kung may kapabayaang nangyari ay managot dito sina Brgy. Captain Aguilar at Administrative Officer nitong si Morga.

Ang pagsiklab ng apoy ay ang pagkakaroon ng highly combustible materials sa loob ng tanggapan.

Kaya dapat ang dalawang opisyal ng barangay na ito ay imbestigahan ng Ombudsman dahil sa pagpapabaya.

Dahil walang mga binatbat na lider ng barangay ang mga ito. Hindi puwedeng irason ng mga ugak na ito na aksidente ang nangyari. Kung mga bihasa sila at bilang mga lider sila ng barangay dapat ipakita nila na mga modelo sila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply