Lovi Poe five years nang nagwa-water-water kay Jericho Rosales

LIMANG taon na palang kinikilig kay Jericho Rosales si Lovi Poe. Kumbaga, noon pa man, talagang kung may pagkakataon, Lovi wants to devour or kain-kainin si Jericho Rosales. (Really? How lascivious and gross! – Ed)

And did you know, nagkaroon ng pagkakataon mismong si Lovi pa’ng nag-request na maging leading man niya si Echo.
Aminado naman siyang matagal na niyang crush si Echo.

“Ever since I started in the business, ’pag tinatanong ako kung sino ang crush ko, siya ’yung parati kong sinasabi. Five years ago ko pa sinasabi ’yun,” say ni Lovi.

Ayon pa kay Leo, first time na nakita ni Lovi in person si Echo noong 2006 at kilig na kilig daw ang young actress nu’ng time na ‘yun.

Ngayong 2011, tinanong namin si Lovi kung kinikilig pa rin siya nang magkita sila sa shooting ng movie.

“Yeah!” mabilis niyang sagot. “He’s really good, super galing niya, grabe! Super funny siya sa set. When he acts, parang natural na natural, parang he doesn’t need much motivation or anything.”

Ready ba siya na ma-link siya kay Echo in the same way na na-link siya kay Jake Cuenca nang makasama niya ito sa My Neighbor’s Wife?

“Well, hindi naman maiwasan na may sabihin ’yung ibang tao. But it’s nice kung may good working relationship, I think that’s good enough.”

Nang tanungin namin kung may bed scenes sila ni Echo, we’re surprised nang sabihin niyang wala.

“Wala, this is different for me, but I’m happy din naman na walang love scenes this time for a change. It’s Solenn’s (Heussaff) moment. Abangan n’yo siya rito. I’m sure everybody’s tired na rin of seeing me in… (daring scenes), so, si Solenn ang abangan ninyo rito.

“This time kasi it’s just that walang masyadong sexy scenes. It’s really cool ’coz finally I’m doing something different naman,” say niya.

Natawa na lang si Lovi nang tanungin what if magpadagdag na naman ng love scenes si Mother Lily tulad ng nangyari sa Aswang.

“Naintindihan ko naman si Mother when she did that, gumanda talaga ‘yung movie because of that. I’m just thankful, she knows best talaga.”

Dito raw sa YTT, okay lang kung hihilingin sa kanya na magkaroon sila ng love scenes dahil may tiwala naman daw siya sa direktor at sa producer.

***

Rhian Ramos muli na namang kumekerengkeng kay Mo Twister?

MISMONG si Rhian Ramos ang nagsalitang okey na sila ni Mo Twister.

Very traumatic yung separation nila, at magandang senyales ito na muli nilang pagmamabutihan.

Does this mean magiging silang muli?

True daw na may komunikasyon na raw sila uli ng ex-boyfriend niyang si Mo Twister.

“Yes, text-text lang,” pag-amin ni Rhian.

“Nung birthday niya, nag-greet lang ako sa kanya sa text, ganoon lang.

“Actually, mas gusto ko ‘yong walang boyfriend.

“Ang maging single uli, dahil nagkaroon ako ng time sa mga friends ko.

“Pag hindi busy, nakaka-attend ako ng party, nakakalabas kasama sila.”

Nagkaroon din daw siya ng time sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina na si Clara Ramos, na naoperahan dahil sa breast cancer.

Ayon pa sa young actress, “Tumutulong din ako sa advocacy tungkol sa breast cancer, na kapag maaga pala itong na-detect, pwede pang gumaling.

“Ganoon ang nangyari sa Mommy ko, stage one pa lang ang breast cancer niya kaya na-cure siya by operation.

“Kaya dapat lagi tayong magpa-check-up at maging very careful.

“Eat foods that are rich in fiber. Mabuti nga, I’m an oat-baby. Mahilig akong kumain ng oats.”

Kasama ni Rhian na pumunta ng Las Vegas ang mommy niya.

Tuloy ba ang paggawa nila ng ilang episodes ng Manny Many Prizes sa U.S.?

“Hindi po muna,” sagot ni Rhian.

Pinapunta lang daw silang mga co-host ng Manny Many Prizes sa U.S. dahil gusto raw ni Manny na nandoon sila.

Banggit pa ni Rhian, “Free ang plane fare namin pagpunta doon at ang ticket namin sa laban sa MGM Grand Hotel.

“Sabi ni Ninong, babalik na lang kami sa States by January or February at saka kami gagawa ng ilang episodes para sa mga kababayan natin doon.”

Babalik daw agad ng Pilipinas si Rhian pagkatapos ng laban ni Manny.

Nagsimula na ring mag-taping si Rhian ng bagong teleserye nila ni Dingdong Dantes.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply