Lovi Poe nagpapatuloy ng lalaki sa kanyang condo

HIWALAY na ba talaga itong si Lovi Poe sa kanyang boyfriend na si dating Congressman Ronald Singson? Kaya namin naitatanong ito ay dahil may mga blind items na nangagsisipaglabasan tungkol sa pagpapatuloy diumano ni Lovi ng lalaki sa kanyang condo unit.

Kitang-kita raw ng mga kapuwa residente ng young actress ang paglabas sa elevator ng sexy actress kasama ang isang sikat na hunk actor na nakasama nito sa “My Neighbor’s Wife” at very obvious na galing sa dyugdyugan ang dalawa dahil basa ang buhok nung actor.

Meaning, kagagaling lang nito sa shower. Ha’y naku!’Yan ba ang sinasabi ng babaetang ito na hindi niya dinudungisan ang malaki at nirerespetong pangalan sa industriya ng kanyang namayapang daddy na si Fernando Poe Jr. Saka, kung pagbabasehan ang mga lovescene ng batang aktres sa My Neighbor”s Wife at latest horror movie nitong “Aswang” na hindi naging maganda ang resulta sa takilya, very expert ito sa tounge to tounge kissing scene.

Pero teka lang, sino kaya kina Dennis Trillo at Jake Cuenca ang guy na pinapatuloy ni Lovi sa kanyang naturang pad? Your guess is good as mine gyud!

***

Sir Boy’s Food Republique pormal nang bubuksan bukas

PORMAL nang bubuksan bukas ang Sir Boy’s Food Republique na bale panlimang restaurant ng La Carmela Group na ang owner ay si Mr. Boy So at ang endorser ay ang kaibigan nitong famous TV host na si Kuya Boy Abunda. Tulad ng mga naunang resto na pawang mga successful na, in a short span of time ay tiyak na makikilala rin kaagad ang Sir Boy’s Food Republique sa mga food tripper na naghahanap ng bagong culinary adventure na makapagbibigay sa kanila ng satisfaction dahil sa masasarap na Pinoy home cooked meals na tanging sa nabanggit na bagong resto lang nila matatagpuan. Yes, lutong bahay ang matitikman nyo rito tulad ng adobo, kare-kare, mechado, Bicol express, tinola, sisig, bulalo, crispy pata, kaldereta, puchero, sinigang at marami pang iba na sa murang halaga lamang na kayang-kaya ng bulsa nating mga Pinoy.

Ang main highlight sa Sir Boy’s Food Republique ay ang kanilang ino-offer na eat-all-you-can for only P99 buffet mula 10:00 a.m. hanggang 10 p.m. Matitikman rin sa Food Republique na ito ang mga Dimsum Boy (pork siomai, chicken feet, kutchay dumpling, spare ribs, wanton noodles), Sir Boy’s BBQ( pork and chicken barbeque, BAM-i), Sweet Boy (all cakes and pastries), and Sir Boy’s Dampa (fresh seafood cooked either grilled or with soup (sinigang based). Pero ang mga ito ay hindi kasama o parte ng eat all you can buffet.

Ang Sir Boy’s Republique ay matatagpuan sa No. 29 Panay Avenue cor. near Roces Street, Quezon City at kalapit rin ng Capitol Medical Center. Mayroon itong 300 seating capacity at ideal ang place na ito sa iba’t ibang celebration lalo sa pinaka-importanteng event ng inyong buhay. At para sa inquiries at reservations tawag o mag-text na sa CP Nos. (0917)638-8003 or 227-0300.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply