Lovi Poe, Paulo Avelino parehong balik sa pagiging starlet?

SEMPLANG sa takilya ang “Aswang” ni Lovi Poe. Could this mean na balik na naman sa pagiging starlet ang alaga ni Leo Dominguez.

Ganyan naman talaga. Minsan may hit, kung minsan naman semplang.

Ang moral lesson lang naman diyan, stay on the level. ‘Wag yung kayabangan agad, nagkaroon lang ng pelikula. Ayan kasi, si Lovi, sa sobrang taas ng tingin ng manager niya sa kanyang status, bagsak tuloy ang career. Ewan naman if after this flop, may mangahas pang gawing bida si Lovi Poe.

Maganda ang Aswang, well-crafted ang movie, pero talagang di pa kaya ni Lovi Poe ang mag-isa. Kumbaga, tsamba lang yung dalawang mild hits niya.

Isa pang naging lukotoy ang dating ay si Paulo Avelino. Ayan tuloy, sa sobrang kaartehan, Sadsad ang career nina Lovi Poe at Paulo Avelino.

****

ISANG magandang tsansa ang pagkasali ni Lotlot De Leon sa “Glamorosa” ng TV5 para linawin ang maraming lumang isyu tungkol sa maraming bagay.

Nabigyang-linaw na rin sa wakas yung sa kanila ng inang si Nora Aunor, yung alitan nila ng biyenang si Pilita Corales at yung separation nila ni Monching, na ama ng mga anak niya.

Ayon kay Lotlot de Leon, isa sa mga dahilan kung bakit tinanggap niya ang Glamorosa ng TV5 ay dahil gusto niyang makasama si Lorna Tolentino na hindi pa raw niya nakatatrabaho.

“And I also want to work with Ms. Alice (Dixson), with Zoren (Legaspi) although I’ve worked na with Zoren before, and of course, si Kuya Tonton (Gutierrez). I want to work with great actors, that’s why I’m here,” aniya.

Nasa TV5 din ang kanyang inang si Nora Aunor kaya naman natanong namin sa kanya kung may naka-line-up bang project sa Kapatid network na pagsasamahan nilang mag-ina.

“Wala pa po, eh, wala pa po akong nababalitaan,” she said.

Pero gusto niya if ever?

“Yeah, why not? Siyempre it will be an honor for me working with mom kaya given the chance, why not?”

Sobrang tagal na nga raw na hindi niya nakakasama ang ina sa isang proyekto at hindi na nga niya matandaan ang title dahil more than 20 years ago na raw yata.

“Regal movie pa ’yun, eh, directed by Tatay Artemio Marquez pa,” natatawa niyang sabi.

Hindi ba siya nainggit kay Ian de Leon na nakasama agad ni Guy sa comeback project ng ina?

“Hindi ako naiinggit. Actually, I’m very happy for Ian kasi bago niya ginawa itong Sa Ngalan ng Ina, medyo matagal na wala siyang trabaho so, magandang opportunity ito na makabalik siya, magkaroon siya ng teleserye dito sa Singko, tapos si mommy kaagad ang kasama niya, so I was very happy for him, tapos kasama rin si Daddy (Christopher de Leon). So it was ano, good for my brother,” aniya.

Sa ibang issue naman, natanong din sa aktres ang tungkol sa pagbabatian ng mom niya at ng biyenan niyang si Pilita Corrales sa Star Awards for Music kamakailan. Ano ang masasabi niya tungkol dito?

“Eh kasi naman ang mommy ko naman, wala namang masamang tinapay du’n, eh. My mom is not a rude person. Hindi naman ’yan gagawa ng eksena para mambastos or ano, hindi naman ganu’n ang nanay ko.

“And maganda rin naman siguro ang pagkakalapit ni Mamita (Pilita), so my mom is ano. Walang issue ’yun, kumbaga, tapos na rin naman ’yun. It’s been 10 years, I think, I have moved on, Monching (Ramon Christopher Gutierrez na asawa niya at anak ni Pilita), so there’s nothing to talk about when it comes to that.”

Nang huli kasing ma-interview ng press si Pilita ay nabanggit nitong hindi sila nagkikita ni Lotlot for the past 12-13 years and this Christmas ay wish daw ng kanyang biyenan na magkasama-sama sila or mag-dinner man lang at magbati-bati na. Ano ang masasabi ni Lotlot tungkol dito?

“Why not? Siguro, pero hindi naman pinaplano na ’yan, eh. Mangyayari’t mangyayari na lang ’yan. Dadating na lang ’yan,” she said.

Sa ngayon ay tahimik naman daw ang buhay niya at bagama’t walang lovelife, she’s doing fine. Hindi rin daw siya nagde-date at wala raw siyang suitors.

“Wala, eh. Pakibigay nga number ko, baka may gusto,” natatawa na lang niyang sabi.

Nagkaayos na rin ba sila ng kaibigan ng ina niya na si John Rendez?

Sandaling tila alanganin ang aktres na sagutin ang katanungan, pero aniya,

“Hindi pa rin naman din kami nagkikita, e.

“Ang tanda ko na para sa mga ganyang isyu!” ang natatawa pa niyang pahabol.

Balitang okey na raw sina Matet at John. Ano ang masasabi niya rito?

“Kasi ako, kung saan ako masaya, dun ako.

“Kung saan sila masaya, masaya na rin ako,” sabi ni Lotlot.

Hindi pa ba siya handang makaharap muli ang ina ng ex-husband na si Ramon Christopher?

“Hindi naman sa hindi ako ready,” sambit ni Lotlot.

“Siguro, nadala na ako. To be honest, nadala na ako.

“It doesn’t mean I don’t have respect for her.

“It doesn’t mean I don’t want to.

“Tapos na ‘yon e, matagal na. At saka ten years na.

“I have been separated for ten years already.

“Siguro kung dadating man ‘yon, dadating ‘yon.

“Kasi I have been separated with Monch for ten years,” paliwanag ng aktres.

Pero sinabi rin ni Lotlot na regular naman daw na dumadalaw ang mga anak niya kay Pilita.

“Yes, wala namang problema,” aniya.

Nilinaw na rin ni Lotlot ang balitang muntik na nilang pag-awayan ni Pilita ang pagpasok ng anak na si Janine sa showbiz.

Balita kasing si Pilita raw ang gustong mag-manage ng career ng apo.

Sabi ni Lotlot, “When Mamita was pushing Janine to start in the industry, she was still in school.

“Nag-aaral pa siya nun. She just graduated kasi this March.

“So, nag-usap naman kasi talaga kami ni Monch na hindi siya papasok [sa showbiz] hangga’t hindi siya nakakatapos mag-aral.

“And when she graduated, my daughter approached me and she said, ‘Mama, I think I’m ready to try out [showbiz].’

“Nag-usap kami ni Monch, sabi ko, ‘I think if there’s one person na mas okey na mag-manage sa kanya, that would be me.’

“Kasi, at least, matututukan ko rin yung anak ko. Kahit papaano, medyo may alam din naman ako dito sa industriya.”

****

Sobrang over-acting si Roxanne Guinoo

DAMI na ng nakapuna sa sobrang kaoeyan ni Roxanne Guinoo. Astang big star daw kasi ang starlet na ito.

Sa kanyang pagbabalik-showbiz, after nag-asawa at nagkaanak siya, maraming restrictions na ini-impose si Roxanne.

For example, ayaw niyang in any of her projects ay itambal siya kay Jake Cuenca at Joross Gamboa na parehong dating fellow Star Magic talents niya at naging lover rin niya.

Big no rin ang mag-portray siya ng role of a kontrabida.

Tuloy, marami ang nagtatanong kung feel daw ba ni Roxanne na she was a big loss to showbiz nang siya’y mag-hibernate for a while, dahil nag-asawa nga siya at nanganak?

The same group also doubt if Roxanne was even missed during her absence.

Foremost pa rin ang katanungang kung may nagawa na ba siyang kakaibang “tatak” sa industriya, for Roxanne to feel and sound big sa kanyang pagbabalik-showbiz?

Sobra ka, talaga, Roxanne something!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply