Lovi Poe, Paulo Avelino walang puknat na laplapan sa kabila ng nakatatakot na mga eksena

WALANG puknat na laplapan ang nangyari sa pinag-uusapang love scenes nina Lovi Poe at Paulo Avelino sa horror movie ng Regal Films. Tumagal din ito, sa palagay namin, ng ilang minuto ng maiinit na halikan.

Napanood namin ang premiere night ng naturang pelikula sa SM Megamall Cinema 7. Punung-puno ang cinema na karamihan ay avid fans ni Lovi. Andoon ang buong cast ng movie headed by Lovi, Paulo, Albie Casino, Precious Lara Quigaman, Joem Bascon at iba pa.

Napansin din namin sa balcony sina Mother Lily Monteverde at Dondon Monteverde na kitang-kita ang saya sa mukha ng Regal Matriach kapag pumapalakpak ang fans at naghihiyawan sa mga nakakatakot na eksena at romansahan nina Lovi at Paulo.

Naroon din ang director ng movie na si Jerrald Jerrog na pinapurihan dahil sa Hollywoodesque na arrive ng movie na high tech ang special effects. Napuri rin ang cinematic beauty ni Lovi sa movie kahit siya’y nagiging aswang.

000

NAPUNTAHAN din namin last Sunday ang 14th birthday party ni Bea Binene na handog ng kanyang fans sa Max’s Quezon Ave. Di nakarating ang ka-love team niya sa soap na Pahiram ng Isang Ina at Tween Hearts na si Jake Vargas dahil may scheduled album promo tour ito nu’ng Sunday sa Cabanatuan City.

Nag-text si Jake kay Bea na kararating lang niya ng 6 p.m. sa Cabanatuan from Party Pilipinas kaya di na siya aabot sa 14th birthday party nito na bigay ng United Friends of Bea Binene na binubuo ito ng mga fans club na Jhabea Friends, Bealievers at Beatics.

Ayon sa spokeman ng grupo na si Monique Eserjose, nag-contribute ang mga members na ambag-ambag para sa party. Gayundin may fans din si Bea sa USA, Jordan at Canada na nagpadala rin ng contributions sa malaking salu-salong para sa birthday ni Bea.

Umiiyak si Bea nang dumating sa party. Di niya alam ito at tanging ang inang si Mommy Carolina Binene lang ang nakakaalam kaya lumuha nang todo-todo ang young actress. Ang birthday kasi ni Bea ay sa Nov. 4 pa.

Bilang ganti, naghanda si Mommy Carolina ng mga give aways na pawang produkto ng business nila Bea.

Sa mismong araw ng birthday ng batang aktres, magpapakain si Bea sa mga bata na arranged ng isang  foundation na kanyang sinusuportahan.

Anyway, dahil di nakarating, kumanta na lang si Jake kay Bea thru cellphone at ipinarinig sa mga fans na nagpapalakpakan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply