Low pressure area nagpaparamdam sa Luzon

ISANG namumuong sama ng panahon ang namataan sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 380 kilometro sa kanluran ng hilagang Luzon.

Bagamat walang masyadong epekto ang LPA sa bansa na papalayo naman ang direksyon.

Habang intertropical convergence zone naman ang umiiral sa bahagi ng Mindanao.

Gayuman makakaranas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan sa hilagang Luzon maging ang Palawan at Mindanao.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay inaasahang gaganda ang panahon ngunit may mga pag-ulan sa dakong hapon at gabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply