LPA namataan sa Mindanao

NAMATAAN ngayon ang isang namumuong sama ng panahon sa bahagi ng Mindanao.

Ang low pressure area (LPA) ay nasa layong 700 kilometro, Silangan ng Southern Mindanao at ito ay nakapaloob Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Visayas at Mindanao.

Samantala, ang kalakhang Maynila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat lalo na sa dakong hapon o gabi.

Magiging banayad naman hanggang sa katamtaman ang pag-alon sa mga baybaying-dagat sa buong kapuluan.

Ang tinatayang temperatura ay mula 23 hanggang 33 antas ng sentigrado.

Ang araw ay sumikat kaninang alas-5:56 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:24 ng umaga. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply