LPA papalayo na pero magiging maulan pa rin

BAGAMA’T papalayo na ang low pressure area (LPA) ay mananatili pa rin ang maulang panahon sa mga susunod na araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang LPA ay pinakahuling namataan sa layong 240 kilometro hilagang kanluran ng Puerto Princesa.

Ipinabatid ng PAGASA na lubhang malawak ang kalupaang dala ng naturang weather system kaya’t asahan na ang higit sa normal na buhos ng ulan.

Kabilang sa mga pinag-iingat sa landslide at flashflood ang mga residente sa buong Luzon hanggang sa kanlurang bahagi ng Visayas.

Samantala, patuloy na makakaranas ng maliwalas na panahon at iba pang bahagi ng bansa ngayong araw na ito.

Nananatiling pinakamalamig sa Baguio City sa 13 Degrees Celsius at pinaka maalinsangan naman ang panahon sa SBMA/Clark Zone Area,Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Cagayan De Oro City, Metro Davao at Zamboanga City sa 31 degrees Celsius. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply