LPG taxi ipagbabawal na

NAGBANTA ngayon ang isang mambabatas na kanyang ipagbabawal ang pagbiyahe ng mga taxi na pinapatakbo ng LPG kapag napatunayan na umaamoy ito sa loob ng sasakyan at nagiging sanhi ng peligro sa kalusugan ng drayber at pasahero.

Ayon kay Sen. Ramon Bong Revilla, Jr., chairman ng Senate committee on public services, alam niyang maraming opereytor at drayber ang pabor sa paggamit ng LPG sa kanilang taxi dahil mas mura ito kaysa gasolina.

Gayunman, kung nagiging pabaya naman ang mga drayber at opereytor ng kanilang taxi kahit na nagli-leak na ang LPG sa loob ng sasakyan, mas makabubuting ipagbawal na lamang ito sa pamamagitan ng isang panukalang batas na itutulak ng senador sa Senado.

“Kapag nagkaroon tayo ng survey diyan at talagang nakita natin na …tatanggalin natin ang LPG dito sa atin kapag hindi nila inaayos,” babala ni Revilla.

Upang hindi na umabot sa puntong ipagbawal ang taxi na pinapatakbo ng LPG, nanawagan si Revilla sa mga opereytor na suriing mabuti ang kanilang mga unit bago ito patakbuhin sa kalye.

“Dapat i-verify nilang mabuti bago gamitin kapag ganun, hazardous yun pero wala tayong batas para ibawal iyan. Yung mga operators dapat maiayos nila ang sasakyan nila,” giit ng senador.

Nanawagan din si Revilla sa Department of Transportation and Communications (DOTC) na gumawa ng kaukulang hakbang para maobliga ang mga taxi operator na ayusin ang nagli-leak na LPG, para na rin sa kaligtasan ng mga drayber at pasahero.

Nanindigan na ang mga asosasyon ng taxi operators sa bansa na malinis at ligtas ang paggamit ng LPG sa taxi dahil ito na rin ang ginagamit sa ibang bansa tulad ng South Korea at Hong Kong.

Ngunit sa pag-aaral ng isang automotive technologist, ang problema sa taxi na pinapatakbo ng LPG ay nag-uugat sa maling installation, maintenance at refueling kung saan sinasagad ang karga ng LPG kahit na lagpas sa limit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply