LPGMA Rep. Arnel Ty, 8 iba pa pinakakasuhan ng DOJ

PINAKAKASUHAN ngayon ng Department of Justice (DOJ) si Liquified Petroleum Gas Marketeres Association (LPGMA) Party-list Rep. Arnel Ty at walong iba pa kaugnay sa umano’y paglabag sa Revised Penal Code at Oil Deregulation Law.

Ayon sa resolusyon ni Prosecutor Angelo Cesar Chavez, gumamit umano ng “price signalling” si Ty sa pagpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang oil products na sinusunod naman ng iba pang respondent na sina Danilo S. Chua, Alison Sy, Rene Rosell, Ronnie Sevillana, Mar Dave Tang, Virginia J. Cid, Bonifacio Eleria, at Antonio del Rosario.

Ang ginawa umano ni Ty ay paglabag sa batas dahil hinahadlangan nito ang kalakalan at malayang kumpetisyon sa industriya ng langis.

Ang kaso ay nag-ugat reklamong isinampa ng chariman ng Federation of Philippine Industries (FPI) na si Jesus Aranza.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply