LTFRB marami pang sususpindihing bus

AABOT sa mahigit 1,000 ang mga pampasaherong bus ang nakataldang suspendihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB).

Tatagal hanggang katapusan ng susunod na taon ang pagpaparusa ng LTFRB sa naunang 99 na kompanya ng bus na napatunayan umanong lumahok sa transport strike noong nakaraang taon dahil hanggang sa apat na batch pa ang mga mapaparusahan.

Ayon kay LTFRB board member Manuel Iway, sa susunod na taon o sa buwan na ng Enero ipatutupad ang parusa sa second batch na bubuuin ng 20 kompanya na may mahigit 200 yunit ng bus.

Paliwanag ni Iway, kaya hindi nila ngayong taon gagawin ang pagbaba ng desisyon sa 20 pang bus company ay dahil sa umiiiwas silang kulangin ang bumibiyaheng bus sa araw ng Pasko.

Sa 90 bus company, una ng nagbaba ng kaparusahan ang LTFRB sa 17, habang aabutin naman sa 1,229 na yunit ng bus ang kanilang parurusahan hanggang sa susunod na taon.

Nakahanda naman umano ang mga tourist bus para mabigyan ng special permit kung sakaling magkulang ang bumibiyaheng bus sa Edsa at Commonwealth Ave. sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply