LTO sa Calabarzon dedma sa kolorum

MISTULANG bulag at bingi ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa Region IV-A sa mga naglipanang kolorum na sasakyan sa kanilang nasasakupan.

Nabatid na naireklamo na ng mga stakeholders ng LTO ang problema sa mga colorum vehicles sa pamunuan ng Region 4A, pero sa hindi malamang dahilan ay patuloy ang pamamayagpag ng naturang mga sasakyan.

Sinasabing mahigit 50 porsiyento ng bilang ng mga pampasaherong sasakyan sa naturang rehiyon, partikular sa Lucena City, Candelaria, Sariaya ay mga kolorum.

Ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi umano pinapansin ng LTO ang mga ito.

Niliwanag ng Land Transportation  Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi mabibigyan ng prangkisa ang mga pumapasadang sasakyan sa naturang rehiyon dahil nananatiling may moratorium ang ahensiya sa pagkakaloob ng prangkisa.

Sinasabing kapag kolorum ang isang sasakyan at naaksidente ay walang tulong na makukuha ang isang biktima o pasahero nito dahil wala itong ligal na operasyon.

Nanawagan ang LTFRB sa mga mananakay na huwag sumakay sa mga kolorum na sasakyan kung nais na maingatan ang kapakanan at maprotektahan ang sarili mula sa mga aksidente o anumang aberya sa lansangan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply