LTO sinisi ng LTFRB sa pagrerehistro sa mga 15-year old buses

SINISI ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang Land Transportation Office (LTO) kung bakit nairerehistro pa ng huli ang mga 15-year old na mga pampasaherong bus.

Sa ilalim ng batas, ang mga pampasaherong bus na may 15 year old na ay hindi na maaaring maipasada sa lansangan dahil tinatagurian na itong “rolling coffin.”

Kinuwestyon ng LTFRB kung bakit napapalitan ng LTO ang year model ng isang 15 year old na sasakyan upang magmukhang modelo kayat tuloy pa rin ito sa pamamasada dahil nairehistro ng LTO.

“Nagtataka nga ako kase walang nangyayaring phase out sa mga 15 year old na mga bus kase nga ang ginagawa ng LTO, nireremodel nila ito, isasailalim sa rehablitasyon tapus iisyuhan ng LTO na road worthy ang sasakyan so walang nangyayaring phase out” pahayag ng isang opisyal ng LTFRB na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Minungkahi nito na huwag nang bigyan ng pagkakataon ng LTO na ma-remodel ang ganitong katandang bus dahil kailangang maingatan ang kapakanan ng mga komyuter lalu pa’t marami ngayong aksidente na sangkot ang mga pampasaherong bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply