Luisita farmers magbabayad talaga – DAR

SINABI ng Department of Agrarian Reform (DAR) na tama ang sinabi ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na dapat bayaran ng mga magsasaka ang Hacienda Luisita.

Matatandaang nagdesisyon ang Supreme Court na ipamahagi na ang lupa sa mga magsasaka.

Sinabi naman ng Pangulo na dapat maging patas at maliban sa interes ng mga magsasaka, kailangang matugunan din ang karapatan ng mga landowners ng tamang kompensasyon.

Dahil dito, sinabi ni DAR Sec. Virgilio de los Reyes na may 30 taon nang ginagamit ang nasabing polisya sa agrarian reform program kung saan ang patakaran ay binabayaran muna ng gobyerno ang pribadong may-ari ng lupa at saka nagbabayad naman ang mga beneficiaries.

Ang libreng lupa lamang umano ay ang pag-aari ng gobyerno na ipinamimigay sa mga mahihirap.

Hindi umano ito pwedeng pagsimulan ng kaguluhan dahil ipinapaliwanag nila ito ng maayos sa mga magsasaka.

Karaniwan umano 10 taon ang pagbabayad ng magsasaka sa may-ari ng lupa.

Gayunman, sa ganitong acquisition, inaabot ng 30 taon kaya malaki ang pagkakaiba.

Samantala, aapela umano ang pamunuan ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) na ipamahagi ang lupain sa mga magsasaka dahil agrabiyado sila dito.

Batay sa desisyon ng Korte Suprema, dapat sundin ang presyo ng lupa noong 1989 nang ipinatupad ang stock distribution option na nagkakahalaga ng P16 per square meter.

Ayon kay Atty. Gener Asuncion, abogado ng HLI, i-aapela nila ang nasabing usapin dahil hindi makatarungan ang nasabing presyo.

Ani Asuncion, ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) ay binili ng gobyerno sa halagang P100 per square meter kaya dapat lamang na makuha rin nila ang nasabing presyo.

Maging ang Pangulo ay nagsabing dapat ay makatarungan ang maging presyo ng lupa.

Gayunman, binigyang diin nio Asuncion na wala nang sosyo ang Pangulo sa Hacienda Luisita. Tanging mga kaanak lamang umano ng Pangulo ang nagmamay-ari dito.

Pag-aaralan naman ng DAR kung paano pipiliin ang mga lupang ibibigay sa mga magsasaka.

Ani de los Reyes, hindi lahat ng lupa sa hacienda ay mainam taniman.

Dapat lamang umanong ang mapunta sa mga magsasaka ay iyong lupang mapapakinabangan nila. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply