Luistro magpapabaril pag hindi natupad ang 1 book per student

SINABI ngayon ni Education Secretary Bro. Armin Luistro na magpababril siya kapag hindi umano natupad ang target  nilang 1 book per student (1:1 ratio) sa 2012.

Ginawa ni Luistro ang pahayag sa paggunita ng “Araw ng Pagbasa” sa Old Balara Elementary School sa Quezon City.

Ayon sa Kalihim, bago ang Hunyo ng susunod taon, pipilitin nila na bawat estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa mula kinder hanggang 4th year high school ay may tagi-tag-isang libro.

Sa ngayon, tinatayang may 20 milyong estudyante sa mga pampublikong paaralan na nangangailangan ng aklat para sa kanilang pag-aaral

Hindi naman masiguro ng Kalihim kung kailan tuluyang matutugunan ang kakulangan sa classrooms at silya na isa rin sa idinadaing na problem sa mga paaralan sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply