Lutong-makaw daw ang Pacquiao win kay Marquez?

WE HAVE a feeling na ‘yung mga detractors ni Pacquiao ang nagpasimuno sa mga puna sa diumano’y lutong-makaw na finish ng boxing bout ng ating kababayang si Pacquiao at ng Mexicanong si Juan Marquez.

Tingin namin, tila naghanap lang ng butas ang mga detractors para nga madurog ang kinamumuhiang boxer.

For instance, nang nasa Fontana kami nitong weekend (which we enjoyed of course, dahil sa magandang pagtanggap sa PMPC ng pumunuan ng Fontana, they gave us a perfect weekend end treat, isusulat po namin ito sa separate item ) may isang kilalang Pacquiao detractor kaming napakinggang namamalitang kesyo natalo raw si Pacquiao, (and this was at a time na hindi pa naman tapos ang bout) na sinasabi nito sa bawat makasalubong niya.

When Pacquaio finally wins, nabasa naman namin sa FB ang kuwento niyang kesyo nandaya raw si Pacquiao kaya nanalo.

O di ba, very bitter talaga’ng mga detractors ni Pacquiao na halatang gusto nilang matalo ang world champion na ewan naman kung bakit.

Anywy, konti lang ang member ng cult na hater ni Pacquaio at higit na mas marami ang hanga sa kanya. Gaya ng isang kaibigan naming idol ng maraming tao sa Pampanga, si Sonny Lopez who pagdating sa sports talaga, alam niya ang lahat ng kaganapan. Our friend is very intelligent and fair at narito yung isang blog niyang mababasa sa FB. We like his opinion na talaga namang we are quoting him here to share what he thinks about the result of the controversial boxing bout of Manny Pacquiao and Juan Marquez.

Narito po: Pacquiao won, period. There is something wrong with us Filipinos. The PACMAN gave us a victory and we joined the chorus vilifying the decision, including Pacman himself, for a not so decisive victory. We have been so used to seeing our man knock out and pulverize his opponents that we call a majority decision victory questionable.

Tayo pa mismo mga Pinoy ang tumitira sa ating kababayan. Nakakahiya tayo! If the situation was reversed, I cannot imagine the Mexicans doing the same to Juan Manuel Marquez. The Mexicans are so used to hometown decisions, that it has become a staple in their menu…cheating their opponents that is. And that Pacquiao win is not a hometown decision or cheating by any means.

Honestly, I am one of those who were shouting for blood after Marquez, in the after-math of his second loss, came to the Philippines to insult our hometown hero. That man came to us, received that so called brand of Filipino hospitality, para duruan ang Pinoy sa kanyang sariling pamamahay!

Do we have to thank him for that act even? That is masochism already. I do not know, but the “compubox” indicated that Pacquiao delivered more punches, including the heavier ones, in that just concluded fight with Marquez. And, to me, going back to what Marquez did when he came to the Philippines, I very much prefer the ending this way.

A knock out win by Pacquiao will hurt only so much, but Marquez will have sleepless nights over this controversial loss again; and, probably, he will remember this for the rest of his life, as even today, he claims that he must be where Pacman is now, had he not been robbed in their first two fights; and, now, with this third one, the man will have nights of impotence, while Pacman does more concerts. (((I am deliriously happy even if I hate Pacman’s singing style. But that is another story.

For all those who made it a point to hit at Manny Pacquiao, please stop what you have started in the social networking world, because it is not doing our country any good, and because the Chicanos will not do it for us if we were in the other shoe.

Fair play you may claim? No such thing, as we have to fend for ourselves as only Bob Arum will do that for us right now. Let us not join those smart aleck types, who have not stood a day in the ring to be hit all over their body and suffer long after they left boxing. Look at Muhamad Ali – boxing’s icon – and see what happened to him.

But we do not even have go too far from the country and see what boxing did to Rolando Navarrete – the original bad boy from Dadiangas – and many more Filipino fighters who have been permanently debilitated by this cruel and violent sport of boxing.

Just very recently, we have hailed Pacman’s exploits and received him like a conquering hero every time he brings home honor for the country. Who have ever done what he did for the country and to the sport of boxing?

Remember him for these and not that last fight…best pound for pound boxer in the planet, unprecedented eight world titles, and this could have been ten had he not skipped two lighter weights

Remember, too, that the man is unselfish, making sure that Filipino pugs will share his stage and are given the chance to excel in the global arena. Many are inspired by his exploits, and they, too, will become champions for that inspiration and motivation that he provides. In that last fight with Marquez, two Filipino boxers in the undercard were victorious.

Pacman’s influence also made sure of the fact that two Filipina artists joins him, as he saw to it that Thia Megia and Maria Aragon sang the Star Spangled Banner and our national anthem, respectively. And they made us proud with their renditions. Not even our top officials can make that happen and offer the world stage for them to display the artistry of the Filipino. Only Pacman can do that! And proudly he did!

Mahal ni Pacman ang kanyang kapwa, lalung lalo na ang kanyang mga ka Filipino, kaya nakaririmarim na mismong mga kababayan niya ang tutuligsa sa kanya! Let us just let others do the vilifification of Pacquiao. Tayong mga Filipino ay di na dapat nakikisawsaw! NAHIHIYA AKO SA GINAGAWA NATIN KAY PACQUIAO AT SA SARILI NA RIN NATIN!))

Very well opined, di po ba?

***

Epektibo ang pagpapakontrobersyal ni Anne Curtis!

HALATANG nagpakakontrobersyalo lang si Anne Curtis sa ginawa niyang pag-tweet na di umano ay sinabotahe ng mga taga-GMA-7 ang sana’y guesting niya sa isang awards kailan lang.

At heto ka, napatunayan ni Anne na talaga namang sikat siya kaya pinatulan talaga siya ng buong GMA management, na kesyo meron pang OA at walang puknat na banat against Anne Curtis nang dahil lang sa sinasabing simpleng tweet. Kung saan na napunta yung isyu gayung simple lang naman ang sinabi ni Anne. That she likes to apologize sa mga taong nag-imbita sa kanya sa affair dahil nga kailangan na niyang umalis kahit di na siya nakaakyat sa stage para bumati man lang.

Pero pinanggigilan nga ng GMA ang isyu na paliwanag dito, paliwanag doon. Na hindi naman talaga nagpahuli rin ang ABS-CBN who also issued an official statement na natural, kinakampihan naman nila si Anne.

Non-issue na masyadong dinibdib ng magkabilang panig.

Anyway, kami mismo bilang show promoter, di na isyu yan. Kung ilang beses na kaming nasangkot sa ganitong klaseng kontrobersya. Sa mga out-of-town shows namin, kadalasan, kapag may dalawang celebrity kaming iniimbita, yung first come, first served ang pinaiiral namin, may call time at kung sino ang naunang dumating, siya ang isasalang namin.

Hindi ko malilumutan yung isang klasikong example ng nangyari sa amin noon. Nag-uunahang sumalang ang dalawang noon ay starlet pa lang, pero ngayo’y mga big names na. Mautak yung isa, inunaham yung host na hindi pa tinatawag ang pangalan niya, lumabas na sa stage, ayun nga naman, pinalakpakan siya. Nagtaka na lang yung isa pang starlet na alam niyang dapat sana, siya na ang tatawagin.

O di ba, bastos yung sratlet pero walang nakahalata sa audience, kumbaga, ginamit niya’ng utak niya.

Sana ganun na lang ang ginawa ni Anne, umakyat na siya nang walang paalam sa stage, tiyak kapag nakita siya ng audience, papalakpakan pa siya.

Hahaha!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply