Maagap vs masipag

TALAGA namang marami ang naniniwalang daig ng maagap ang masipag.

Inihahambing ang taong maagap sa marunong na bumasa ng mga palatandaan ng isang bagay ukol sa kinabukasan.

Parang isang propeta ang maagap na may kakayanang umalam sa malayong hinaharap.

Por eksampol, ang pagdating ng September ay nangangahulugan ng Pasko, lalo’t nagpapatugtog na ang mga radyo ng mga awiting pampasko ilang linggo bago dumating ang buwan ng September.

Sa maagap na negosyante, naglalaro na sa isip nito kung paano kikita sa ngalan ng Pasko nang maaga.

Kaya kahit malayo pa ang Pasko, marami na siyang ginagawang gimik o sa seryosong usapin, marami na siyang inihahandang proyekto para pagkakakitaan.

Ang masipag naman ay sinasabing walang pagod sa pagtatrabaho sa panahon na may trabaho o pagkakitaan.

Kaugnay ng Pasko, saka na lang ito magtatrabaho nang husto para kumita kung kasagsagan na ng Pasko.

oOo

Pero alam ba ninyo, Suki, na napakasama na ang imeyds ng maraming maagap?

Ang mga maaagap ang tinutumba ng mga pulis sa mga lansangan ngayon.

Ang mga hayjaker, magnanakaw, holdaper, karnaper, budol-budol, mandurukot, akyat-bahay,  agaw selpon at iba pa.

Op kors, may mga maaagap ding kabilang sa mga riding in tandem na kumikita sa panghoholdap, karnaping at gun for hire.

Ang masama, ang mga masisipag ang binibiktima ng mga maaagap na ito.

At tulad ng mga pulis, pumapatay rin ang mga ito ng kanilang mga biktima.

oOo

Ang ganda talaga ng turo ng lolo ko na daig ng maagap ang masipag.

Pero kapahamakan at kamalasan ang ipinararating nito.

Hohum!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply