Maaliwalas ang panahon sa araw ng Pacquiao-Marquez fight– Pagasa

TINIYAK ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical Astronomical Service Administration (Pagasa) na magiging maganda at maaliwalas ang panahon sa Linggo (Nobyembre 13) sa araw ng laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez para sa kanilang ikatlong pagtutuos.

Ayon sa Pagasa, makaaasa ang mga tagahanga ni Pacquiao na magiging maaliwalas ang panahon at walang pag-ulan na magaganap sa naturang araw sa buong Luzon, Visayas at Metro Manila sa naturang araw dahil maliit ang tsansa ng ulan.

Sinabi ni Nicos Penaranda, weather specialist ng Pagasa, minimal ang tsansa na umulan sa araw ng laban ni Pacquiao at Marquez.

Ngunit sinabi ni Penaranda na mataas naman ang tsansa na umulan sa rehiyon ng Mindanao sa Linggo lalo na sa hapon dala na rin ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ang pagtutuos ni Pacquiao-Marquez ay bilang pagpapatunay kung sino sa dalawa ang dapat na tanghalin ng World Boxing Organization para sa welterweight title.

Itinuturing ng mga eksperto na tiyak na hihinto na naman ang pag-ikot ng buhay ng mga Filipino sa Linggo dahil sa tututok ang mga ito sa laban ng dalawang boksingero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply