Madalas awayin ni misis, nagbigti

PINAGDUGTONG-DUGTONG na kawad ng cellphone, damit at sinturon ang ipinulupot ng isang mister sa kanyang leeg para magbigti sa La Union kaninang madaling-araw.

Ayon sa Bauang PNP, tinatayang may tatlo hanggang apat na oras nang patay si Efraem Jeric Brengses, 22, ng Barangay Central West, Bauang, La Union dahil halos kulay talong na ang balat nito nang matagpuang nakabitin sa loob ng kanilang bahay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang krimen dakong 5:30 ng madaling-araw sa loob ng kuwarto ng biktima.

Ayon sa pamilya ng biktima, bago ang pagkakatuklas sa insidente ay pinoproblema nito ang madalas nilang pag-aaway ng kanyang ka-live in.

Bukod pa rito, pinoproblema rin nito ang suliranin ng  kanyang pamilya at ang problema sa pera na pampabayad sa upa ng kanilang bahay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply