Madre iniwan ang kumbento para maging GRO

INIWAN ng isang dating alagad ng Diyos ang buhay sa loob ng kumbento para maging guest relation officer (GRO) sa isang night club sa Laguna.

Sinabi ng 31-anyos na si Sarah (hindi tunay na pangalan) na noong maliit pa lamang siya ay pangarap na niyang maging isang madre.

“Gusto ko talagang maging madre at madalas akong magdasal,” pahayag ni Sarah isang bar dancer sa Laguna town na dating madre.

Ayon sa isa sa mga kaibigan ni Sarah, hindi naman siya nasorpresa na pinili ni Sarah na sundin ang holy sisterhood.

“Noong magkakasama kami noong maliit pa ay talagang mabait na siya at tahimik. Mahilig siya magdasal,” pahayag ni Julie Francisco, kababata ni Sarah.

Halos isang taon ding nanatili si Sarah sa loob ng kumbento bilang madre pero hindi nagtagal ay lumabas siya dahil sa pagkabagot.

“Hindi kami nakakalabas eh. Nandoon lang kami sa loob nagdadasal lagi,” sambit ni Sarah.

Sa kasalukuyan, si Sarah ay isang GRO sa Laguna town, isang trabahong kanyang pinagmamalaking gawin para ipang-buhay sa kanyang pamilya.

“Naiisip ko ang buhay ko dati kaya minsan naiiyak ako. Kailangan talaga ng perang mapadala sa pamilya,” pahayag pa nito.

Si Sarah ay kasal na ay may isang anak.  Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply