Mag-ama kalaboso sa bato

SWAK sa kulungan ang mag-ama matapos na mahulihan ng mga shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City kagabi (Nobyembre 9).

Nakilala ang mga suspek na sina Joy Marcelo, 32, binata at tatay nito na si Isidro, 61 pawang taga-Justicia St., Karuhatan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban kay Joy sa nasabing lugar.

Nang iabot ni Joy ang dalawang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 ng pulis na umaktong buyer ay agad na dinamba ang suspek.

Umapela naman si Isidro at pinipigilan ang mga pulis na madala ang anak subalit nang kapkapan ang una ay nakuhanan ng limang sachet ng shabu na naging dahilan upang isama ito sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply