Mag-asawa, anak tinaga ng kapitbahay

ISANG magasawa pati na ang kanilang anak ang pinagtataga habang natutulog ng kanilang kapitbahay sa Camarines Sur kaninang madaling araw.

Isinugod sa Bicol Medical center sanhi ng tinamong taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Zaldy Bacares, 36, asawa nitong si Maricel, 37, anak na si Liezel, 11 ng Sitio Cagapuan, Barangay Cambalidio, bayan ng Libmanan sa lalawigan ng Camarines Sur.

Nadakip naman agad at sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Guilberto Espina, kapibahay ng mga biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala-una ng madaling araw sa mismong kuwarto ng mga biktima.

Bago ito, sinasabing mahimbing na natutulog ang mag-asawa at ang kanilang anak nang bigla na lamang pumasok ang suspek at sa hindi malamang dahilan ay pinagtataga ang mga biktima.

Sa ngayon, hindi pa rin matukoy kung ano ang motibo ni Espina para ikasa ang naturang kaluuos-lunos na krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply